>>HARUKI MURAKAMI DETOX, MANILA, PHILS.




E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



RANDOM FANDOM

ayan, wala pa akong tulog, at medyo tinatamad pang mag-edit ng video, pero naisipan pa ring mag-post, salamat sa balitang bakla pala si george takei. patawad sa patalun-talon na kamalayan.

sinwerte ako at nakakuha ng kumpletong set ng unang season ng STAR TREK: THE ORIGINAL SERIES, at ngayo'y tuwang-tuwa sa panonood, sa muling-pagkakilala sa mga paboritong eksena at kuwento (THE CORBOMITE MANEUER, SHORE LEAVE, THE GALILEO SEVEN, at siyempre, THE CITY ON THE EDGE OF FOREVER). hindi ako makapaniwala kung gaano pala kalakas ang impluwensiya ng palabas na ito sa akin dati, at ngayon. mas malakas kaysa sa THE NEXT GENERATION (na sa opinyon ko ay mahina at nakakatamad, kumpara sa ST:TOS) o VOYAGER (na mas katulad ng ST:TOS kaysa sa TNG, kaya pinanood namin ng kuya ko mula umpisa hanggang dulo, ang buong pitong taon ng palabas, nung gabi-gabi itong pinapalabas sa HALLMARK) o XFILES (na kinalimutan ko na matapos ang ika-anim na taon) at MILLENNIUM (na pumapangalawa sa ST:TOS).

hayup talaga ang STAR TREK! tigas-titing scifi na walang kahiya-hiyang pinapamukha sa'yo na scifi siya, na enjoy pa nang todo-todo. mahusay ang pagkakalaad ng exposition, 'di kagaya ng karamihan ng scifi ngayon (gaya ng MATRIX: RELOADED, na punumpuno ng pseudo-masonic exposition na nagpaka-zen sa pagpapaliwanag (ie, pinalabo, sinabing 'di-makukuha sa frame of reference ng tao, etc, na ano nga ba talaga anmg naidagdag tungkol sa katauhan natin, sa pagiging tao?) pero wala naman talagang sinasabi, kasi pati ata 'yung mga gumawa ay hindi alam kung ano ang gusto nilang sabihin) na ang paraan para sabihing scifi siya ay sa pamamagitan ng Q-&-A habang nasa isang montage sequence. walang papormang cyberpunk hullabaloos.

kaya ata mas gusto ko ang COWBOY BEBOP at EVANGELION kaysa sa GHOST IN THE SHELL o MATRIX o LAIN, dahil mismo sa tigas-titing scifi ng STAR TREK, 'di nahihiyang magpaka so-co (well, 'di-gaano sa BEBOP (pero tigas-titi pa rin siya, at enjoy), at internal naman sa EVA, pero lubus-lubusan talaga sa STAR TREK), 'di-nahihiyang sabihing "SCIFI AKO!!" pero 'di rin nagpapapansin, 'di-kagaya ng MATRIX o LAIN na nagpapapansin talaga na scifi siya, kasi siguro baka makalimutan mo kaya ipapaalala niya sa iyo nang paulit-ulit. ang metapora siguro diyan ay, ang pagkakaiba sa pagitan ni BUDDY ZABALA at ni DONG ABAY, na parehong musikero na nakatikim na ng "sabaw ng langit", ika nga. ang pagkakaiba sa kanila, 'yung isa me "CAMBIO" sa t-shirt, 'yung isa me "ROCKSTAR AKO".

o baka ako lang 'to, na nagsasawa na sa cyberpunk, at nagiging nostalgic para sa inner/outer space pioneers? kahit sa HEAVY METAL, ganun din ako, e. mas nage-enjoy sa DRUUNA kaysa sa FAAK2.

nakapagbasa pala ako ng pito sa mga local na scifi na mga kuwentong naipasa at nanalo/natalo sa stillborn na kategorya ng palanca na FUTURE FICTION, at nakitang DALAWA lang ang talagang papasa (para sa akin, base sa mga naibanggit kong rason sa itaas) bilang scifi: ang SUBTERRANEA, 'yung kuwento ni Luis na nanalo ng first place, at 'yung MITO NG LUNGSOD ni Jay Fernando, na nanalo din ng first place, na malamang ay ikagagalit ng ibang tao dito, kasi kaibigan ko silang dalawa, pero kasi, magaganda talaga ang mga kuwento nila (sa totoo lang, mas gusto ko 'yung isa kaysa dun sa isa, pero pareho naman silang mahusay), na medyo magkapareho ng diskarte sa pagpapakita ng "FUTURE" sa kanilang "FICTION", parehong masasabing exploration ng inner space ang ginawa nila sa kanilang mga kuwento, pinag-isipan kung paano kaya mag-isip/mag-react ang mga tao limampung-taon mula ngayon. may pagkakaiba ba? o pareho lang? saan tayo aangat? san lulubog? etcetera etcetera etcetera. habang ang mga kasabayan nila'y nagpaka-busy-busy-han sa exposition, sa pagpapakitang-gilas kung gaano kalawak ang kanilang kaalaman sa teknolohiya at imahinasyon at sa kani-kaniyang advocacies, sa kanilang mga ricky lee what-if? scenarios na luma na't napagiwanan na sa comix at pelikula at sa mga libro ng kanilang mga idolo, hinalukay nina Luis at Jay ang sarili, pinakintab ang mga nahanap, at ibinilad ito sa araw.
PS hayup din pala ang LOST.

links to this post

0 Responses to “”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


About us

Best described as a Murakami detox support group, we're all fans of the quirkily brilliant Japanese author, Haruki Murakami, and writing about such things as films we've seen recently and books we're reading (not to mention meandering musings on the man's work, of course) helps us to pass time while waiting for the next book from Haruki-baby.

Previous posts

Links


ATOM 0.3