>>HARUKI MURAKAMI DETOX, MANILA, PHILS.




E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



UPWC//LITAPP 2005 CALL FOR SUBMITS

nagbabalak ang UP WRITERS CLUB na maglabas ng kanilang literary folio, the first in TWELVE FUCKING YEARS, man, kaya, putsa, EVENT 'to, pare. magpasa ng PINOY o INGLES na mga akda kay Jun Cruz Na Ligas, sa kanyang eMail address na juncruznaligas@gmail.com at ke Carl Javier na rin, sa eMail niyang carl.javier@gmail.com para koey, para masaya, para marami.

wala naman ata 'tong tema, pero kung ako ang tatanungin, panalo sana kung panay mga akdang palaban, in the sense na, nilalabanan niyo 'yung mga haligi kumbaga, 'yung papataubin ang estante ng panitikang pilipino, kung ano man ibig sabihin n'un sa inyo. gaya kunwari nung akda nung isa sa mga nakapagbigay na, na tungkol sa LITERARY MAFIA at PADRINO SYSTEM, among other topics; at 'yung isa naman, tungkol sa PROSESO NG PAGTUTURO NG PANITIKAN SA PILIPINAS, mga metapoetry na hindi lang pagsusulat ang tinitira, kun'di ang buong mundo na ng panitikan at pagsusulat sa pilipinas. HOLISTIC COLLECTION sana ang gawin natin, lahat ng related topics dito, subukang gawan ng akda, gawan ng kumento, 'di ba? para solid.

'yung tipong, NONREQUIRED READING siya, ANTI-THESIS ng mga ibang LITERARY JOURNALS na naililimbag sa kung saan-saan, mga kuwentong kabaklaan na masaya, mga kalesbiyanahan na positive ang ending, mga kuwentong kamachuhan, mga babaeng binubugbog at gumaganti pero pinapakulong, mga kuwentong hango sa buhay ng mga taong 'di pa ipinapanganak, mga hango sa paboriting mga kanta o idolong manunulat na hapon, lahat ng puwedeng maisip at 'di-maisip pero kayang maisulat, mga kuwentong 'di papasa ke Paolo Manalo o sa Palanca o sa Tinig.com o sa Women's Weekly, mga 'di mo makikita sa website ni Ian Casocot, mga mababasa mo lang sa blog-blogan, pakipasa pakipasa pakipasa.

mga tula't kuwento, parehong okey, pero sana ilimita natrin ang mga sarili sa iilang pahina lang, mga tatlo, ganun, kasi kapos tayo sa espasyo, unless may magbigay ng malakilaking pera sa librong ito, para dumamidami at kumapalkapal naman ang LITAPP. meron bang makakapagbigay ng pera sa amin? i-eMail din kaming dalawa ni Carl, at mag-usap tayo.

at mga komiks din, welcome, mga kantang naisulat, lagyan natin ng chords at tabs, gaya ng SATAN RULES o SHIELA DOESN'T LIVE HERE ANYMORE ng Easy Fagela And The Forces Of Evil, na sana ibigay nila, at lagyan ng chords, para kakaiba. basta, 'yung mga palagay mo ay 'di pa naiaadress nang maayos, o 'di pa naiaadress at all, gawan niyo ng kuwento, ng tula, ng malikhaing akda na makakapagpabago ng buhay ng mambabasa, 'yung tipong makapagbibigay sa kanila ng panibagong mga ideya at pananaw sa buhay. ang THOUGHT-PROVOKING nga naman ay mga bagay-bagay na kikiliti sa mga tao para makapag-isip ng mga bagong ideya, hindi paguulit ng mga ideyang alam na nila.

kaya ayunh, pakipasa na lang ke Carl Javier sa carl.javier@gmail.com at kay Jun Cruz Na Ligas sa juncruznaligas@gmail.com sa RTF o JPGs kung may mga litratong gustong ilagay. pakipasa 'to sa lahat ng kakilala ninyo, kahit 'yung mga tipong 'di nagsusulat o 'di na nagsusulat, baka makapagsulat sila uli, o baka subukan na nila biglang magsulat dahil sa pangungulit ninyo, basta. at ang deadline ay sa MAY 1, 2005!! kaya dali, sulat na!!

salamat!!

- HAWTHORNE MARCOS, III Pilipinong Patnugot

links to this post

2 Responses to “”

  1. Blogger the spy in the sandwich 

    "mga 'di mo makikita sa website ni Ian Casocot..."

    ahahaha! that is the bomb! this made my day. thanks!

    adam, carl, will send something by may 1. hehehe.

    - ian

  2. Blogger Adam 

    ian said: "mga 'di mo makikita sa website ni Ian Casocot..."

    "ahahaha! that is the bomb! this made my day. thanks!"

    yes, i was hoping it would. now, hopefully, paolo's reaction'd be pretty much the same...

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


About us

Best described as a Murakami detox support group, we're all fans of the quirkily brilliant Japanese author, Haruki Murakami, and writing about such things as films we've seen recently and books we're reading (not to mention meandering musings on the man's work, of course) helps us to pass time while waiting for the next book from Haruki-baby.

Previous posts

Links


ATOM 0.3